-- Advertisements --
Nasa mahigit 1,000 mga negosyante ang sinulatan na ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil umano sa paglabag sa itinakdang suggested retail prices (SRP) sa mga produkto.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na pinagpapaliwanag nila ang kabuuang 1,070 na negosyante dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong ibinebenta.
Aabot naman sa 31 ang nabigyan ng show-cause order habang 274 ang napatunayang hindi sumusunod sa tamang presyo.
Mayroon na ring 16 na negosyante ang nasampahan na ng kaso.
Sakaling mapatunayang lumabag sa Price Act ang mga negosyante, ay makukulong mula lima hanggang 15 taon at may multang P5,000 hanggang P2 milyon.