-- Advertisements --
Mayroong mahigit 1,000 kapulisan ng Manila Police District ang ipinakalat na magbibigay ng seguridad sa kapiyestahan ng Sto. Niño sa Pandacan at Tondo Manila sa Enero 14 at 15.
Sinabi ni MPD director Brig. Gen. Andre Dizon na ang nasabing mga kapulisan ay ipapakalat sa kapiyestahan na gaganapin rchdiocesan Shrine of Sto. Niño sa Tondo at sa Pandacan.
Naglabas din ng kautusan si Manila Mayor Honey Lacuna na liquor ban sa Tondo at Pandacan mula Enero 14 at 15.
Gaganapin ang “Buling Buling” Festival kung saan isinasayaw ang imahe ng Sto. Nino sa Liwasang Balagtas sa Pandacan sa araw ng Sabado.
Ang nasabing kapiyestahan ay kinansela ng dalawang taon dahi sa COVID-19 pandemc.