Nasa mahigit 1,000 mga sundalo ng North Korea ang nasawi at nasugatan matapos na umanib sa Russia para makipaglaban sa Ukraine.
Ayon sa Joint Chief of Staff ng South Korea, na ito ang kanilang nakuhang impormasyon mula ng magpadala ng sundalo ang North Korea.
Nasa mahigit isang libo na rin kasi ang inilagay ng North Korea sa mga borders ng Ukraine at Russia.
Sa kasalukuyan ay plano rin ng North Korea na dagdagan ang bilang ng mga sundalo nilang ipapadala sa Russia.
Magugunitang una ng itinanggi ng North Korea na nagpadala sila ng sundalo sa Russia subalit kalaunan ay kanila namang inamin na may ilang sundalo ang sumabak na sa giyera.
Una rito, ikinabahala ng international community ang ugnayan ng dalawang bansa dahil parehong may mga paglabag ang mga ito sa mga batas.
Binabanggit ang mga implikasyon para sa seguridad ng rehiyon at mga posibleng paglabag sa UN sanctions.
Sa joint statement mula sa mga foreign ministers na mga bansa, kabilang ang US, Japan, at Australia, ay kinondena ang suporta ng North Korea sa mga aksyon ng Russia sa digmaan, na tinawag nilang “a dangerous expansion of the conflict.”