CAUAYAN CITY – Matindi ang nararanasan ng mga mamamayan sa ilang bahagi ng Colorado, U.S.A. dahil sa nagaganap na wildfires na pinatindi ng pagbagsak ng snow na umabot sa 10 pulgada ang kapal.
Ito ay nagdulot ng matinding lamig at naapektuhan ang mga mamamayan na nasa shelter matapos na mawalan ng bahay dahil sa wildfires.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jon Melegrito, news editor ng isang pahayagan sa Washington DC, kanyang sinabi na umabot na sa 1,000 bahay ang nasunog habang dalawa ang nawawala sa wildfires sa wildfires sa Marshall Community sa Boulder County sa Hilaga ng Denver, Colorado.
Gumagamit na ng cadaver searching dogs ang mga otoridad para matagpuan ang mga nawawala.
Libu-libo ang pansamantalang nakatira sa YMCA center malapit sa Marshall community na ginawang Red Cross shelter at doon pansamantalang nanunuluyan ang mga nawalan ng bahay sa wildfires.
Kabilang sa mga nawawala ang isang 91 anyos na lola.