-- Advertisements --

Mahigit 1,000 katao na dumalo sa Latitude Festival sa Suffolk County sa New York ang nagpositibo sa COVID-19.

Ang nasabing kaganapan ay isa sa COVID test events ng gobyerno na dinaluhan ng nasa 37,000 bisita mula Hulyo 21-24.

Lahat ng mga dumalo ay kailangan fully vaccinated o negatibo sa COVID-19.
Subalit lumabas sa kanilang pagsusuri na mayroong 432 katao ang may taglay na virus.

Sinabi naman ni Stuart Keeble ang director ng Suffolk Public Health na nagpapatunay lamang na patuloy ang pag-ikot ng virus.

Ang music and arts festival na ginanap sa Henham Park ay unang events matapos ang ginawang pagluluwag ng gobyerno.