Mahigit 1K Pilipino sa Lebanon, nakatakdang irepatraite sa PH sa gitna tumitinding tensiyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel
LOOPS: OFWs, Hzbollah- Israel conflict
Nakatakdang i-repatriate ang mahigit 1,000 Pilipino sa Lebanon pauwi ng Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng militanteng Hezbollah at Israel na kumitil na sa halos 500 katao at ikinasugat ng mahigit 1,600 indibidwal.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) ASec. Robert Ferrer, inaasikaso na ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut ang repatriation ng mga Pilipinong handang umuwi na ng bansa.
Base sa embahada ng PH, mula noong Setyembre 17 at 18, nakaranas ang Lebanon ng mga hindi inaasahang pagsaog ng mga beeper na nagresulta sa pagkasawi at pagkasugat ng libu-libong katao.
Nangyari aniya ang mga pagsabog sa southern suburbs of Beirut, South Lebanon at Bekaa Valley.
Ito ay matapos na gumanti ang Israel sa Hexbollah fighters na nakikisimpatiya sa mamamayang Palestino na naiipit sa digmaan sa Gaza.
Samantala, bagamat halos lahat ng Pilipino sa Lebanon ang tutol sa mandatoryong repatriation ng pamahalaan, hinimok ng DFA official ang mga Pilipino doon sa Lebanon na ikonsidera ang kanilang desisyon habang bukas pa ang paliparan at mayroon pang commercial flights.
Tiniyak din ng opisyl na sasagutin ng gobyerno ng PH ang magagastos para sa immigration at exit process ng mga dokumentado at hindi dokumentadong mga Pilipino sa Lebanon.