BUTUAN CITY – Tina-tayang aabot sa mahigit P1 milyon ang pinsala matapos nilamon ng apoy ang isang pribadong paaralan kaninang buntag sa may Purok-7, Barangay Holy Redeemer nitong lungsod ng Butuan.
Natanggap sa Bureau of Fire Protection o BFP-Butuan ang firecall alas 9:50 umaga ng Martes kung saan aabot sa 6 na firetruck ang rumisponding sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Nadeklarang fire control ang sunog matapos ang 25 minutong arangkada kung saan natupok ang paaralang Divine Seraphim Speech Development and Study Center na pagmamay-ari ni Dr. Provenciano Malbar at nirentahan ni Norma Abulo.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nagsimula sa kwarter ang apoy na daling kumalat sa ikalawang palapag.
Sa ngayon ay patuloy pa ang malalim na imbestigasyon sa nasabing insedente upang malaman ang pinagsimulan sa apoy.