-- Advertisements --
Natanggap ng bansa ang panibagong mahigit isang milyon doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer.
Lulan ng Air Hong Kong flight LD456 ang 1,078,740 Pfizer vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-8:00 kagabi (Disyembre 1).
Ito ang unang bahagi sa tatlong deliveries sa mahigit dalawang milyong doses na bakuna na binili ng gobyerno sa Pfizer.
Inaasahan ng gobyerno ang pagdating ng iba pang mga bakuna ngayong Huwebes at sa araw ng Sabado.
Kahapon naman ng hapon, mahigit din sa isang milyong shipment ng AstraZeneca ang dumating din sa bansa.