-- Advertisements --

Nakatanggap ang bansa ng karagdagang pang mahigit isang-milyon doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga edad lima hanggang 11-anyos.

Pasado alas-8:00 ng gabi nitong Sabado ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong may lulan ng 1,032,000 doses ng nasabing bakuna.

Bago nito ay nitong nakalipas na Biyernes ay dumating din ang 1,080,000 doses ng Pfizer COVID-19 para sa nasabing age group.

Nasa halos 64 million na katao na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19 kung saan mahigit 10 million naman ang nakatanggan ng kanilang booster shots.