Dumating na ang mahigit 1- milyon doses ng Pfizer COVID-19 vaccine .
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 pasado alas-9 nitong gabi ng Enero 26 ang 1,023,750 doses na mga bakuna na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank.
Sinalubong ng ilang opisyal ng Department of Health (DOH) at ni National Task Force Against COVID-19 Assistant Sec. Wilben Mayor.
Sinabi ni Mayor na gagamitin ang ilang bahagi ng mga dumating na bakuna sa bakunahan sa mga botika.
Papalawigin pa kasi ng gobyerno ang pagpapabakuna sa mga botikoa sa Visayas at lungsod ng Baguio sa mga susunod na araw.
Sa Pebrero 5 naman aniya darating ang mga bakunang gagamitin sa mga batang edad 5-11.
Sa kabuuan ay mayroong mahigit 216 milyon na bakuna na ang natanggap ng bansa.