-- Advertisements --
Natanggap ng bansa ang karagdagang 1,082,250 doses ng COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno sa kumpanyang Pfizer-BioNTech.
Lumapag pasado alas-9 ng gabi ng Huwebes Disyembre 2 ang eroplanong pinagsakyan ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Pinangunahan ni National Task Force Against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor ang pagsalubong ng nasabing mga bakuna.
Pinasalamatan nito ang US dahil sa karagdagang pagdating ng mga bakuna.
Ipapamahagi ang nasabing mga bakuna sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.