-- Advertisements --
Mayroon pang 1.1 milyon doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine ang darating sa bansa hanggang sa katapusan ng Mayo.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na bukod sa nasabing mga kumpanya ay mayroon ding 500,000 doses ng CoronaVac ang asahan ring darating sa bansa.
Patuloy din aniya ang negosasyon ang isinasagawa para sa dalawang milyon doses na Sputnik V na gawa ng bansang Russia.
Pagdating naman namang Hunyo ay tuloy-tuloy ang mga pagdating ng mga bakuna na kinabibilangan ng 1.1 milyon doses mula sa Pfizer BioNTech, 4.5 milyon doses ng CoronaVac, 250,000 doses ng Moderna vaccine, 1.3 milyon doses ng AstraZeneca at 2 milyon doses ng Sputnik V.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 7.5 milyon na doses ang natanggap na ng bansa.