-- Advertisements --
Nakatanggap ang bansa ng karagdagang mahigit isang milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa kompaniyang Pfizer.
Dumating pasado alas-8:00 kagabi ang 862,290 doses sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinalubong ito ng ilang opisyal ng Department of Health ang nasabing bakuna at pagkatapos ay agad na dinala ito sa cold-storage chain sa Marikina City.
Bago ito ay mayroong 76,050 doses ang nai-deliver sa Cebu pasado alas-6:00 ng gabi.
Dahil sa nasabing pagdating ng bakuna ay aabot na sa kabuuang 78.42 milyon ang dumating sa bansa.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na mayroong pang darating na mahigit one million doses ng Pfizer vaccine sa darating na mga araw.