-- Advertisements --

Mahigit isang million na mga indibidwal na ang lumipad paalis sa Ukraine simula nang magsimulang salakayin ito ng Russia.

Ayon sa datos ng UN refugee agency, tinatayang nasa 8.5 percent sa mga ito ay tumakas sa bansa patungo sa mga kalapit na bansa tulad ng Poland, Slovakia, Hungary, Moldova, Belarus, at Russia.

Habang nasa 88,147 katao naman ang sinasabing lumipat sa patungo sa iba pang European states.

Ang mga nasabing bilang ng mga indibidwal na lumilikas mula sa Ukraine ay inaasahang mas tataas pa kapag nagpatuloy pa ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.