-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang 1 milyon doses ng COVID-19 vaccine na donasyon ng bansang Japan.
Pasado alas-8 nitong gabi ng Huwebes ng lumapag sa Villamor Air Base ang eroplanong pinagsakyan ng 1, 124,100 doses ng AstraZeneca vaccines.
Personal sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing bakuna kasama si vaccine czar Carlito Galvez.
Sa kaniyang talumpati pinasalamatan ng pangulo ang Japan dahil sa nananatili itong mahigpit na kaalyado sa paglaban sa pandemiya.
Pinayuhan niya ang mga mamamayan na magpabakuna at sundin ang health protocols.
Tiniyak naman ni Japaneses Economic Minister Masahiro Nakata na katuwan sila sa paglabang ng Pilipinas laban sa COVID-19.