-- Advertisements --

Mahigit na naman isang milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccines ang panibagong dumating muli sa bansa.

Pasado alas-nuebe nitong nakalipas na gabi ng Disyembre 6, ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang eroplanong pinagsakyan ng mga bakuna.

Ang nasabing bakuna ay binili ng gobyerno sa naturang US company.

Nauna rito, ilang oras bago dumating ang Pfizer COVID-19 vaccines ay dumating din sa bansa ang halos dalawang milyong COVID-19 vaccine na gawa ng Moderna.