-- Advertisements --
Aabot na sa 1.5 milyon mga katao sa India ang inilikas dahil sa banta ng bagyong Dana.
Inaasahan kasi na sa loob ng 24 na oras ay maglaland-fall ang bagyo sa estado ng Odisha at West Bengal.
Maging ang mga biyahe ng tren at flighst ay kinansela na rin.
Sinabi ni Odisha Chief Minister Mohan Charan Majhi na ang hakbang ay para maiwasan ang anumang masawi.
Tinatayang may taglay ang bagyo ng lakas ng hangin mula 100-120 kilometers per hour.
Inihanda na rin ng mga otoridad ang mga pagkain at ilang mga kakailanganin para sa mga inilikas na mga residente.