-- Advertisements --

Nakatanggap ang bansa ng panibagong mahigit isang milyon doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech.

Ang 813,150 doses na US made vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay pasado alas-10:00 ng gabi.

Habang ang 101,790 doses ay unang dinala sa Cebu.

Dadalhin naman sa lungsod ng Davao ang 101,790 doses ngayong araw.

Ang nasabing bakuna ay bahagi ng binili ng gobyerno kung saan ayon kay vaccine czar Carlito Galvez ay malaking tulong ito para mapabilis at maparami ang mababakunahan sa bansa.