-- Advertisements --
Natanggap ng bansa ang mahigit 1-milyon doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng kumpanyang Pfizer.
Pasado alas-otso kagabi ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplanong may lulan ng 1,056,000 doses ng COVID-19 vaccine para sa mga bata at 128,700 doses na COVID-19 vaccines para sa mga adults.
Base sa pinakahuling datos ng National COVID-19 vaccination na mayroong mahigit 137-M na mga bakuna ang naiturok sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Target kasi ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 77 milyon na mga Filipino laban sa COVID-19 .