Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasa mahigit isang milyong doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga bata.
Ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19, ang nasabing mga bakuna na may kabuuang 1,056,000 na doses ay mga government-procured vaccines sa pamamagitan ng World Bank.
Una rito ay nakatanggap na rin ang Pilipinas ng nasa 1,056,000 na reformulated Pfizer COVID-19 vaccine para sa pediatric age group at 128,700 doses naman para sa adult population noong Marso 9.
Sinimulan ang bakuhan laban sa COVID-19 sa NCR para sa mga batang may edad na lima hanggang 11-anyos noong Pebrero 7.
Sa datos, nasa kabuuang 137,351,822 mga doses na ang naiturok sa bansa, habang nasa mahigit 63 million naman na ang mga indibidwal ang nakatanggap na ng kompletong bakuna.