-- Advertisements --
Duterte in Batangas
Pres. Duterte

Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na makakapag-uuwi ng panibagong $10 billion na bagong investments at trade deals si Pangulong Rodrigo Duterte sa apat na araw na pagbisita nito sa Beijing China.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, mayroong kabuuang 190 na mga business leaders mula sa iba’t ibang mga bansa ang makikibahagi bilang private sector sa ikalawang Belt and Road Forum (BRF).

Ang nasabing panibagong investments at trade deals ay makagagawa umano ng mahigit na 20,000 na bagong trabaho sa bansa.

Nakatakda namang sumunod sa Beijing si Lopez ngayong araw matapos ang pagdalo nito sa Association of Southeast Asian Nations Trade Ministers meetings.

Kagabi ay dumating ang Pangulo sa China kung saan kasama rin ang kanyang pamilya.