-- Advertisements --

Apektado ang kabuuang 4,024 pamilya sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Nika’.

Ito ay binubuo ng 10,876 katao.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw, Nov. 12, mayroong 1,359 pamilya ang na-displace kung saan 812 dito ay dinala sa mga evacuation center.

Ang nalalabing 574 na pamilya ay nakituloy na lamang sa kanilang mga kaanak at kakilala.

Sa pagtawid ng bagyong ‘Nika’ sa naturang rehiyon, mayroong inisyal na 47 bahay ang natukoy na nasira mula sa mga probinsya ng Abra, Apayao, Ifugao at Kalinga. Tatlo sa mga ito ang natukoy na totally damaged o nawasak.

Kasalukuyan na ang ginagawang relief operations sa mga residente.