TACLOBAN CITY – Libo-libong mga residente na sa probinsya ng Southern Leyte ang isinailalim sa forced evacuation dahil sa pinangangambahang pagtama ng bagyong Odette.
Una nito, mahigpit ang ginawang preparayon at massive evacuation ng mga otoridad sa nasabing probinsya lalo pat isa ang Southern Leyte sa posibleng tamaan ng bagyo sa paglandfall nito.
Ayon kay Danilo Atienza, PDRRM Officer ng Southern Leyte, mahigit 10,000 mga indibidwal na ang inilikas sa buong probinsya at nagsimula na rin an relief operations o pagbigay ng mga food packs at assistance sa mga evacuees.
Inaasahan na nila ngayong hapon ang malakas na ulan at hangin lalong lalo pat ikinokonsidera nilang high risk areas lahat ng mga bayan sa Southern Leyte dahil lahat sa mga ito ay mga coastal LGUs.
Samantala, ayon naman kay Limasawa Southern Leyte Mayor Melchor Petracorta, sa ngayon ay nakatutok sila sa dalawang barangay na nawashout noong nakaraang mga bagyo at nakapag evacuate na rin ang kanilang mga residente.
Nakastandby rin ang kanilang rescue vehicle lalo pat isang island town ang Limasawa.