CENTRAL MINDANAO- Pumalo sa 10, 965 ang kabuang bilang ng mga Local Stranded Individuals (LSI) ang natulungan ng programang Sagip Stranded North Cotabateños basi sa record na inilabas ng TF.
Basi sa datus, nangunguna ang bayan ng midsayap na may pinakamaraming LSI na nakauwi, umabot ito sa1,325 ang Alamada 549, Aleosan 295, Antipas 356 Arakan 414, Banisilan 804, Carmen 648, Kabacan 930, Kidapawan City 863, Libungan 550, Makilala 705, Magpet 317, Matalam 284, M’lang 651 Pigcawayan 640, Pikit 604, Presiden Roxas 520 at Tulunan 510.
Tinatayang mahigit sampung libong pamilya na ang napasaya ng programa dahil nabigyan ng pagkakataon na makapiling ang kanilang mahal sa buhay na stranded sa ibang lugar na nawalan ng trabaho at kailangang ng makauwi.
Bagaman at kailangang tiisin, sinikap rin ng mga LSI na tapusin ang 14 day Quarantine makapiling lamang ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ang TF Sagip Stranded North Cotabateños ay isinulong ni Governor Nancy Catamco upang tulungan na makauwi ang mga residente ng probinsya na na stranded sa ibang lugar.
Nakapagpalipad ng pitong (7) exclusive sweeper flights ang probinsya at isang (1) exclusive flight din ang napalipad ng Malakanyang.
Nakapagsundo rin ng mga LSI ang TF Sagip Stranded sa ibat ibang rehiyon at karatig probinsya sa Mindanao.
Kasama rin sa bilang ng mga natulungan ang mga ROF na nasundo ng TF sa mga airport at port sa Mindanao region.
Hiniling ngayon ng Gobernadora ang pag-intindi ng lahat ng mamamayan sa hangad ng Probinsya na makatulong sa mga LSI na makauwi at makapiling ang kanilang mahal sa buhay.
Kaakibat ng TF Sagip Stranded sa pagsulong ng operasyon ang Bureau of Fire Protection na syang namuno sa decontamination, PNP Cotabato Province, Philippine Army, lahat ng LGU, Congressional Offices ng North Cotabato at IPHO.