-- Advertisements --
Aabot sa 10,000 na sundalo ang ipinakalat sa lungsod ng Soyapango sa El Salvador bilang bahagi ng pag-aresto sa mga gangs.
Inanunsiyo ni El Salvador President Nayib Bukele na lahat ng mga kalsada patungo sa lungsod ay ipinasara na nila.
Hinahalughog na rin ng mga sundalo ang mga kabahayan ng mga gang members.
Naglatag na rin ang mga sundalo ng mga checkpoints kung saan lahat aniya ng mga nagtatangkang lumabas ng lungsod ay kanilang sinusuri ang mga papeles nilang dala.
Aabot na sa 12 katao ang inaresto dahil sa pinaigting na crackdown.
Isinagawa ang crackdwon sa mga gang members dahil sa pagtaas ng bilang kaso ng karahasan sa mga nagdaang buwan.