-- Advertisements --
SUNOG 1

Hindi bababa sa sampung indibidwal ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Culiat , Quezon City.

Nasugatan rin sa nasabing sunog ang ilang rumesponde sa insidente.

Nagtamo ang ilan sa mga ito ng minor burns at abrasions at ang iba naman ay nahihirapang huminga dahil sa kapal ng usok.

Maswerte namang walang naiulat na nasawi sa sunog.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy bandang alas 9 p.m umabot pa nga ito sa ikalimang alarma na tumagal ng halos tatlong oras.

Ideneklara namang under control ang sunog kaninang madaling araw.

Sa ngayon ay wala pang kabuuang halaga ang naiwang danyos ng naturang sunog.