-- Advertisements --

Nasa 10.9 milyong manggagawang Filipino ang nawalan ng trabaho, mayroong mababang sahod at nagtatrabaho ng wala sa tamang oras dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa International Labor Organization (ILO) 7.2 million sa 10.9 million vulnerable Filipino workers ay lumipat na sa online job.

Dahil rin aniya sa pandemya ilang milyong manggagawa rin ang binawasan na rin ang oras ng kanilang trabaho.

Karamihang mga naapektuhan ay yung mga nasa industriya ng manufacturing, transportation and storage, accomodation, food service activities ganun din ang arts, entertainment at recreation.