-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot na sa mahigit 100 ng mga nakumpiska at naisukong armas sa Misamis Oriental Police Provincial Office (MOPPO).
Ito ang inihayag ni Police Lieutenant Princess Joy Enriquez, taga pagsalita ng MOPPO sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro.
Aniya, hanggang Abril 22 lamang nila ipapatupad ang “Oplan Katok” kung kaya’t patuloy ang kanilang panawagan sa lahat ng mga gun owner ng Misamis Oriental na isuko na ang kanilang mga armas kung ayaw nilang makasuhan ng paglabag ng Republic Act No. 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Sinabi ni Enriquez na magsasagawa ng press conference ang MOPPO sa darating na Abril 29 upang iprisinta sa publiko ang kanilang first quarter accomplishment.