-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mahigit isang daan sa 1,311 na mga barangay sa buong Caraga Region ang na-classify ng Police Regional Office o PRO-13 ang nasa areas of immediate concern o orange category dahil sa presensya ng mga komunistang terorista.

Ito’y kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Oktubre.

Ayon kayj PCol. James Goforth, hepe ng Regional Operations Division ng Police Regional Office-13, minimal lamang ang presensya ng mga rebelde dahil sa mahigpit na pagbabantay ng kanilang counterpart na kasundaluhan.

Ang nasabing klasipikasyon ay base na sa mga parameters na na itinakda ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office kon PRO-13.

Ngunit ang mas ikinasaya ng opisyal ay walang barangay nitong rehiyon ang nasa red category o areas of grave concern na inaasahan niyang hindi na magbabago pa hanggang sa mismong araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Maliban dito’y may siyam pang mga barangay ang nasa yellow category dahil sa init na away sa pulitika.