-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na aabkt sa mahigit 135 na barko ng Chinese Maritime Militia (CMM) ang naispatang nagkalat sa may Julian Felipe Reef na nasa loob ng area of responsibilitg ng Pilipians.

Ayon sa PCG, dating nasa tinatayang 125 ang CCM sa lugar kayat kapansin- pansin ang pagdami ng mga ito mula sa 111 na barko ng CMM noong Nobiyembre.

Natuklasan ang naturang kumpulan ng mga barko ng China sa lugar matapos na ipinadeploy si PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan noong Sabado, Dec. 2, ang PCG vessels na BRP Sindangan at BRP Cabra para magpatrolya malapit sa reef na 169 nautical miles mula sa Palawan.

Sinabi din ng PCG na walang tugon ang mga lulan ng chinese maritime militia vessels sa radio challenges ng PCG.

Sa kabila nito, nanindigan ang PCG sa di natitinag na commitment nito para protektahan ang maritime security, safety at marine environment kaakibat ang pagprotekta sa territorial integrity, soberaniya, at hurisdiksiyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang Julian Felipe Reef ay matatagpuan 175 nautical miles sa kanluran ng bayan ng Bataraza sa Palawan at parte ito ng Kalayaan Group of Island sa West Philippine Sea.

Top