Namataan ang kabuuang 128 Chinese vessels sa bisinidad ng okupadong features ng PH sa West Philippine Sea noong nakalipas na linggo.
Kung saan nasa 14 na China Coast Guard vessels ang namonitor, 6 na People’s Liberation Army Navy vessels at 108 na Chinese maritime militia vessels ang namataan sa WPS mula Mayo 14 hanggang 20.
Ayon sa PH Navy nasa 4 na CCG vessels at 25 Chinese maritime militia vessels ang nakita sa Ayungin shoal habang 1 CCG vessel, 2 PLAN vessels at 27 CMM vessels ang namtaansa Pag-asa island.
May mga namataan ding CMM vessels sa iba pang maritime features gaya ng kota island, likas island, lawak island, panata island at Patag island habang wala namang namataan sa may Parola island.
Una rito, naobserbahan din ang pagtaas ng bilang ng mga Chinese vessel sa kasagsagan ng civilian mission sa Bajo de Masinloc.
Inihayag ng Philippine Navy na tumaas ang presensiya ng Chinese coast guard at maritime militia vessels partikular sa Bajo de Masinloc sa parehong period nang isagawa ang civilian mission na inorganiza ng Atin Ito Coalition.
Base sa data na inilabas nitong Martes, mayroong 9 na CCG vessels, 4 na People’s Liberation Army Navy vessels at 42 Chinese maritime militia vessels ang namataan sa traditional fishing ground mula Mayo 14 hanggang 20.
Mas mataas ito kumpara sa naiatalang bilang ng mga Chinese vessel noong Mayo 7 hanggang 13.