Inaresto ang mahigit 100 dayuhan sa isang ilegal na online gaming hub sa Cebu nitong Sabado, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Nag-ugat aniya ang raid sa mission order na inilabas ni Immigration Commissioner Norman Tansingco laban sa 13 illegal alien na napatunayang overstaying at nagtatrabaho nang walang permit sa isang resort sa Barangay Agus, Lapu-Lapu City.
Ang mga naarestong dayuhan ay sasailalim sa inquest proceedings bago i-deport.
Ang joint operation ay isinagawa ng BI, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Center on Transnational Crime (PCTC), ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).