-- Advertisements --
Mahigit 100 domestic flights sa Japan ang nakansela dahil sa matinding pag-ulan ng yelo.
Nakaranas kasi ng matinding pag-ulan ng yelo sa northern at western Japan.
Ayon sa ANA Holdings na kanilang kinansela ang 79 flights na apektado ang mahigit 5,100 na pasahero.
Nasa 49 flights naman ng Japan Airlines ang kanilang kinansela na nakaapekto ng 2,460 pasahero.
Nauna rito maraming mga bansa ang nagkansela ng kanilang flights dahil sa pagkalat ng Omicron coronavirus variant.