-- Advertisements --

Mahigit na sa 105,000 katao sa Zimbabwe ang naaresto mula pa noong Marso dahil sa paglabag sa health protocol na ipinapatupad para mabawasan ang pagkalat ng coronavirus.

Niluwagan ng bahagya ng bansa ang restrictions kung saan mahigit 1,500 kaso ng COVID-19 ang naitala.

Inaakusahan naman ng kritiko ang gobyerno na ginagawa lamang nila ang paghihigpit para arestuhin ang mga opposition at mga aktibista.

Base sa ipinapatupad na bata sa nasabing bansa na ang mga umuuwing mamamayan mula sa ibang bansa ay dapat sumailalim sa tatlong linggong quarantine sa government-approved facility.

Labis na naapektuhan ang ekonomiya ng bansa mula ng ipatupad ang nasabing lockdown.