Mahigit 100,000 na mga korporasyon ang sinuspendi ng Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa hindi paghain ng reportorial requirements.
Ayon sa SEC na kanilang sinuspendi ang certificates of incorporation ng 117,885 corporations dahil sa loob ng limang taon ay hindi sila naghain ng mga reportorial requirements.
Binigyan ang mga ito ng 30 araw na gawan ng mga remedyo na naayon sa ipinapatupad ng komisyon.
Nakasaad sa Revised Corporation Code na matapos ang notice at hearing ay ilalagay sa delinquent status ang nasabing korporasyon.
Noong Marso ng nakaraang taon ay inilunsad ng SEC ang amnesty program na naglalayon na mapaganda ang compliance at mabawasan ang babayaran nilang penalty dahil sa late at hindi paghahain ng general information sheets.