Naitala ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 110,000 na mga biyahero, araw-araw ang pumapasok at lumalabas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong holiday rush.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval ang mga biyaherong pumapasok ay umaabot ng 50,000 at karagdagang 50,000 rin na mga biyahero ang lumalabas sa naturang paliparan na karamihan ay mga Overseas Filipino Workers (OFW) na magbabakasyon sa Pilipinas.
Inaasahan rin ng ahensya ang patuloy na paglaki ng volume ng mga pasahero ngayong peak season kung saan dodoble pa ‘yan hanggang enero.
Pinayuhan naman ni Sandoval ang mga biyahero na lalabas ng bansa na mag fillout na ng kanilang mga e-travel bago ang kanilang departure ng sagayon maiwasan ang mga aberya.
Nagpaalala rin ang BI sa mga biyahero na ugaliing maglaan ng oras para hindi sila mahuli sa kanilang biyahe. Dagdag pa ni Sandoval na mahalaga na maglaan ng hanggang tatlong oras bago ang kanilang flights.
Samantala, tiniyak naman ni Sandoval na sapat ang kanilang mga personnel upang umalalay sa mga biyahero ngayong holiday rush.