-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 100 kabahayan ang natupok sa naganap na malaking sunog sa residential area ng Barangay Talon Uno sa lungsod ng Las Pinas.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na halos limang oras bago nilan tuluyang maapula ang nasabing sunog.

Nahirapan din ang mga bumbero na rumesponde dahil sa magkakadikit na bahay at masikip na mga daanan sa lugar.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng nasabing sunog.

Nagpalipas naman ng ng magdamag sa kalapit na covered court ang mga residenteng naapektuhan ng nasabing sunog.