-- Advertisements --
Mahigit 100 kabataan ang dinampot ng mga kapulisan sa ipinatupad na curfew sa lungsod ng Maynila.
Katuwang ng mga kapulisan ang mga barangay offiicials para ipatupad ang Ordinance 8547 na ipinagbabawal ang mga may edad 17 pababa na gumala sa pampublikong lugar mula alas-10 ng gabi hangang alas-4 ng madaling araw.
Ipinatawag naman ng mga magulang ng naaresto sa Sta. Cruz at sila rin ay nagtungo sa Raxabago Police Station.
Sinabi ni Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, ang hepe ng Raxabago Police Station, na binigyan nila ng first warning ang mga magulang at kapag inulit ay kanila na itong bibigyan ng mabigat na kaparusahan.