Umabot na sa 101 katao ang kumpirmadong namatay habang 180 katao ang nasugatan sa halos isang buwan ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng Pakistan.
Ito ay batay sa report ng National Disaster Management Authority (NDMA) ng Pakistan.
Batay sa nasabing report, pinakamarami ang naitalang namatay sa Punjab province na umabot sa 57 habang 118 ang mga nasugatan.
Maraming kabahayan na rin ang naitalang nawasak, kasabay nito.
Maliban sa probinsya ng Punjab, apektado rin ang mga malalaking syudad sa nasabing bansa kung saan ang ilan sa mga ito ay nakakaranas pa ng hanggang 12 hours na walang tigil na pag-ulan.
Sa ilang distrito ng nasabing bansa, naitala ang hanggang sa 200mm na dami ng ulan.
Mamarami sa mga namatay ay nalunod dahil sa pag-apaw ng mga kailogan, ang iba ay nadaganan ng mga gumuhong bahay at istraktura, habang ang ilan ay dahil sa iba pang rain-related accidents
Unang nag-umpisa ang mga nasabing pag-ulan noong Hunyo-25 at batay sa report ng National Disaster Management Authority, hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ito.