-- Advertisements --

Sugatan ang mahigit 100 katao sa Italy matapos ang pag-ulan ng hail storm o ulan na may yelo.

Ayon sa mga otoridad nagulat na lamang sila ng makaranas sila ng hail storm na singlaki ng isang tennis ball.

Sinabi ni Veneto regional president Luca Zaia, na nasira rin ang maraming mga sasakyan at kabahayan matapos ang pag-ulan ng yelo.

Karamihan sa mga nasugutan ay nadulas sa kanilang dinadaan at ang iba ay natamaan ng mga basag na salamin mula sa bintana.