-- Advertisements --
Ehod BARMM ibrahim
BARMM Chief Minister Ahod E. Ebrahim

COTABATO CITY – Mahigit 100 na umano ang nasawi sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa lalawigan ng Maguindanao

Ito ang sinabi ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod E. Ebrahim sa naging press conference nitong araw ng Sabado.

Sa kanyang latest update, inanunsiyo ni Ebrahim na 40 ang naitalang namatay sa Maguindanao, hindi pa kabilang dito ang Brgy. Kusion, Datu Odin Sinsuat.

Habang ang Brgy. Kusion naman ay nakapagtala na ng 61 na mga namatay at may mga bangkay pa umano ang hindi pa narerekober na tinatayang nasa 80 hanggang 100.

“The latest figure is 61 dead… and more than to be around 80 to 100 ang hindi pa narekober,” ani Ebrahim.

Samantala, nasa 115,437 naman ang naapektuhang pamilya o katumbas ng nasa 572,185 na mga apektadong indibidwal.

Sa ngayon, tuloy-tuloy din ang clearing operation ng Ministry of Public Works sa mga kalsada sa Maguindanao, upang mapadali ang pagpasok ng mga rescue vehicles at tulong sa mga apektadong residente.

Pahirapan din ang paghahatid ng tulong sa maraming lugar sa Maguindanao dahil sa mga nakahambalang na mga punungkahoy, landslide sa ilang kalsada, naputol din ang tulay sa Tapian, Datu Odin Sinsuat, Nituan Bridge sa Parang, Maguindanao nasira at isinara narin ang Simuay Bridge at Sarakan Steel Bridge sa Bugasan Norte, Matanog, Maguindanao.

maguindanao flashfloods paeng