-- Advertisements --
BUTAN CITY – Tinatayang aabot sa mahigit 100 na pamamahay ang nilamon ng malaking sunog kaninang alas 11:20 ng Linggo ng umaga sa may Purok-4, Market Site, Bislig City, Surigao Del Sur.
Sa nakuhang inisyal na impormasyon galing sa Bislig PNP, inihayag nitong patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa nasabing sunog kung saan naideklarang fireout mga alas 2:30 na sa hapon.
Dikit-dikit umano ang mga bahay sa nasabing lugar na gawa sa light materials dahilang mabilis itong natupok ng apoy.
Sa ngayon patuloy ring inaalam ang kabuuoang indibidwal na apektado sa sunog pati na rin ang pinagmulan nito.