-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus ang ilang daang Japansese na nagtatrabaho sa dalawang US Marine Corps bases sa Okinawa, Japan.
Ito ang naging resulta matapos na isagawa ang COVID-19 testing sa ilang libong mga Japanese workers sa nasabing US military institutes.
Halos 200 kaso ang naitala sa Marine Corps Air Station Futenma ganun din sa Camp Hansen.
Kadalasan sa mga kaso ay iniuugnay sa paglilipat ng mga US troops kasama ang kanilang pamilya at civilian contractors na dumating sa Okinawa mula sa US.
Dahil sa pangyayari ay nababahala si Mayor Masaharu Noguni ng Chatan, Okinawa.
Dahil dito naghigpit na ang Marine Corps sa mga personnel kung saan pinagbabawalan na silang lumabas pa sa kampo.