Nahaharap ang 100 lugar sa Pilipinas sa banta ng mga paagbaha at mga pagguho ng lupa.
Ito ay batay sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources, kasunod na rin ng napipintong transisyon ng klima ng bansa patungo sa pag-iral ng La Niña.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources undersecretary for field operation Joselin Marcus Fragada, sinimulan na ng DENR ang mga preparatory activities sa 100 na lugar, bilang paghahanda rito.
Bagaman nakahanda ang ahensiya, hindi aniya kayang pigilan ang kalamidad, kayat nakabubuting tuloy-tuloy ang gagawing mga hakbang upang matiyak ang kahandaan.
Sa buong Pilipinas, ayon kay Fragada, may mga binabantayang mga lugar na madalas o prone sa mga kalamidad.
Kabilang na dito ang pagguho ng lupa, mga pagyanig, bagyo, matataas na daluyong, at iba pa.
Dahil dito, hinimok ng opisyal ang mga lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa DENR at Mines and Geosciences Bureau (MGB) upang makuha ang listahan ng mga lugar na dapat nilang bantayan.
mayroon aniyang geohazard maps ang MGB na available o maaari nilang makuha at magamit bilang basehan sa kanilang paghahanda.