-- Advertisements --

Dumating na sa India ang US military plane na lulan ng nasa 100 Indian nationals.

Galing sa Texas ang military aircraft at ito ay lumapag sa Amritsar City kung saan iprinosesa nila ang deportees.

Magugunitang naghigpit si US President Donald Trump sa mga undocomented foreign nationals kung saan tinatayang nasa 18,000 na mga Indian ang maapektuhan.

Sinabi naman ng US President na tiniyak sa kaniya ni Indian Prime Minister Narendra Modi na gagawin niya kung ano ang tama sa pagtanggap ng mga US deportation.

Dinadagan na rin ni Trump ang bilang ng mga US military plane para sa mabilis na pagpapalikas ng mga iligal migrants.