-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang damage assessment ng Banga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa South Cotabato sa tatlong barangay na lubhang naapektuhan ng pagbaha sa naturang bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Banga Mayor Albert Palencia, nasa mahigit 100 pamilya at halos 50 bahay sa Brgy Liwanay, Rizal Poblacion-Reyes, at Lamba ang naapektohan ng nasabing kalamidad.
Sa ngayon ay tinutukoy pa ng Banga LGU at ng MDRRMO ang mga labis na naapektohan ng naturang pagbaha upang kaagad silang mabigyan ng agarang tulong.
Nagpaalala rin ito sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog na lumikas kaagad sa evacuation center kapag tumataas na ang lebel ng tubig.