-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tinupok ng apoy ang mga pananim na kalamansi sa farm ng isang negosyante sa barangay Alinam, Cauayan City

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Maryjane Cadiz, negosyante at may-ari ng Calamansi Farm na may nakitang maliit na grass fire malapit sa kanyang farm ngunit biglang kumalat ang grass fire dahil sa malakas na hangin.

Napunta ang grass farm sa calamansi farm sanhi para masunog ang mahigit i100 puno ng calamansi na namumulaklak na ang nasunog.

Maliban dito ay mayroon ding nasunog na miracle fruit at ilang tanim na saging.

Sinubukan anya nilang apulain ang grass fire gamit ang hose na ginagamit nila sa pagpapatubig ngunit mabilis na kumalat.

Tumugon ang mga kasapi ng BFP Cauayan City ngunit dahil sa malaki na ang apoy at mahangin ay na tuluyang nasunog ang kanilang mga pananim na calamansi , ilang miracle fruit at saging.