-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala ng mahigit 100 bagong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 107 ang bagong kaso ngayong araw, 172 ang naidagdag sa mga gumaling at apat ang nasawi.

Sa mga bagong kaso ay nangunguna ang bayan ng Tumauini na may 28, sumunod ang Alicia na may 17, 12 sa lunsod ng Ilagan,10 sa Jones, 8 sa Delfin Albano, tig-lilima sa lunsod ng Cauayan at Ramon, tig-aapat sa Echague at Angadanan, tig-tatatlo sa Benito Soliven at lunsod ng Santiago, tig-dadalawa sa Cabagan at San Mariano habang tig-iisa sa Cabatuan, Luna, Naguilian at San Pablo.

Dahil dito, umabot na sa 22,272 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Isabela, 20,180 ang gumaling, 1,419 ang aktibong kaso at 673 ang nasawi.

Sa naturang datos ay ang lunsod ng Cauayan pa rin ang may pinakamaraming aktibong kaso na may 216 at sumunod ang Tumauini na may 124.