-- Advertisements --
Nakabalik na sa normal na operasyon ang Philippine General Hospital (PGH) matapos na magkaroon ng sunog nitong Sabado ng gabi.
Dahil sa pangyayari ay inilikas palabas ang nasa 100 na pasyente mula sa emergency room.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na mahigit 20 minuto lamang ng kanilang maapula ang sunog.
Base sa imbestigasyon na nagmula ang sunog sa isang storage room na malapit sa emergency room.
Nagkaroon lamang ng maliit na sunog kaya mausok at walang naitalang sugatan sa insidente.
Magugunitang noong Marso ng magkaroon ng sunog na rin sa nasabing pagamutan.