May kabuuang 108 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya kasabay ng bisperas ng Pasko mula sa mga pasilidad ng bilangguan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa buong bansa.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na maglalabas pa ang BuCor ng humigit-kumulang 200 pang PDL bago ang Disyembre 31.
Sa mga kamakailang pagpapalabas, sinabi ni Catapang na sa wakas ay nalampasan ng kawanihan ang target nitong maglabas ng 1,000 PDL sa loob ng isang buwan.
Sinabi ni Catapang na may kabuuang 1,093 qualified inmates ang nai-release ngayong buwan ng Disyembre.
Aniya, magandang pamasko ito para sa mga PDL at kanilang mga pamilya na magkakasama sila ngayong kapaskuhan.
Samantala, nagpasalamat naman ang director general sa mga tauhan ng BuCor sa pagsisikap na maabot ang kanilang target.
Kasalukuyang ipinapatupad ng BuCor ang programang “Bilis Laya” na nagpapalaya sa mga kuwalipikadong inmates na nakapagsilbi na sa kanilang sentensiya.